Exodo 34:17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
17 “Huwag(A) kayong gagawa ng diyus-diyosang metal at sasamba sa mga ito.
Read full chapter
Levitico 19:4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 “Huwag(A) kayong maglilingkod sa mga diyus-diyosan ni gagawa ng mga imahen upang sambahin. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos.’
Read full chapter
Levitico 26:1
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Pagpapala sa Pagiging Masunurin(A)
26 “Huwag(B) kayong gagawa ng mga diyus-diyosan o magtatayo ng mga inukit na rebulto o sagradong haligi, o mga batong hinugisan upang sambahin sa inyong lupain. Ako si Yahweh, ang Diyos ninyo.
Read full chapter
Deuteronomio 4:15-18
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Babala Laban sa Pagsamba sa Diyus-diyosan
15 “Nang kayo'y kausapin ni Yahweh mula sa apoy sa Sinai,[a] wala kayong nakitang anyo, kaya mag-ingat kayong mabuti. 16 Huwag(A) kayong gagawa ng anumang larawan upang sambahin, maging kawangis ng tao, 17 hayop(B) sa ibabaw ng lupa, ibon, 18 ng anumang gumagapang o ng anumang isda.
Read full chapterFootnotes
- 15 Sinai: o kaya'y Horeb .
Deuteronomio 27:15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
15 “‘Sumpain(A) ang sinumang gumawa ng anumang imahen upang sambahin kahit palihim, ito ay kasuklam-suklam kay Yahweh.’
“Ang buong bayan ay sasagot ng: ‘Amen.’
Read full chapter