Genesis 22:2
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Sinabi(A) sa kanya, “Isama mo ang kaisa-isa at pinakamamahal mong anak na si Isaac, at magpunta kayo sa lupain ng Moria. Umakyat kayo sa bundok na ituturo ko sa iyo, at ihandog mo siya sa akin.”
Read full chapter
Mga Awit 2:7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 “Ipahahayag(A) ko ang sinabi sa akin ni Yahweh,
‘Ikaw ang aking anak,
mula ngayo'y ako na ang iyong ama.
Isaias 42:1
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Lingkod ni Yahweh
42 Sinabi(A) (B) ni Yahweh,
“Narito ang lingkod ko na aking hinirang;
ang aking pinili at lubos na kinalulugdan;
ibinuhos ko sa kanya ang aking Espiritu,
at siya ang magpapairal ng katarungan sa mga bansa.
Mateo 3:17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
17 At(A) isang tinig mula sa langit ang nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan!”
Read full chapter
Marcos 1:11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
11 Narinig(A) niya ang isang tinig na mula sa langit at nagsasabing, “Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan.”
Read full chapter
Lucas 9:35
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
35 May isang(A) tinig na nagsalita mula sa ulap, “Ito ang aking Anak, ang aking Hinirang.[a] Pakinggan ninyo siya!”
Read full chapterFootnotes
- 35 ang aking Hinirang: Sa ibang manuskrito'y ang aking Minamahal .