Isaias 21:9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
9 Walang(A) anu-ano'y nagdatingan
ang mga kawal na nakakabayo, dala-dalawa,
at nag-ulat ang bantay,
“Bumagsak na! Bumagsak na ang Babilonia!
Nagkalat sa lansangan
ang durug-durog niyang mga diyus-diyosan!”
Jeremias 51:8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 Bigla ang pagbagsak at pagkasira ng Babilonia. Iyakan ninyo siya. Kumuha kayo ng panlunas para sa kanyang sugat; baka siya'y gumaling pa.
Read full chapter
Pahayag 14:8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 Sumunod(A) naman ang ikalawang anghel na nagsasabi, “Bumagsak na! Bumagsak na ang makapangyarihang Babilonia, na nagpainom sa lahat ng mga bansa ng alak ng kanyang kahalayan!”
Read full chapter
Isaias 13:21
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
21 Mga(A) hayop na maiilap ang mananahan doon,
titirhan ng mga ostrits ang kanyang mga bahay,
pagtataguan ang mga iyon ng mga ostrits
at maglulundagan doon ang mga maiilap na kambing.
Jeremias 50:39
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
39 “Kaya(A) nga, ang maninirahan doon ay mababangis na hayop at mga asong-gubat, gayon din ang mga dambuhalang ibon. Wala nang taong maninirahan doon habang panahon, at hindi na ito pamamayanan ng alinmang lahi.
Read full chapter