1 Cronica 16:34
Ang Biblia (1978)
34 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man.
Mga Awit 100:5
Ang Biblia (1978)
5 Sapagka't ang Panginoon ay mabuti; ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man;
At ang kaniyang pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi.
Jeremias 33:11
Ang Biblia (1978)
11 Ang tinig ng kagalakan (A)at ang tinig ng kasayahan, ang tinig ng kasintahang lalake at ang tinig ng kasintahang babae, ang tinig nilang nangagsasabi, (B)Kayo'y mangagpasalamat sa Panginoon ng mga hukbo, sapagka't ang Panginoon ay mabuti, sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan pa man; at ng nangagdadala ng hain ng pagpapasalamat sa bahay ng Panginoon. Sapagka't aking ibabalik ang nangabihag sa lupain gaya ng una, sabi ng Panginoon.
Read full chapter
Mga Panaghoy 3:25
Ang Biblia (1978)
25 Ang Panginoon ay mabuti sa (A)kanila na nangaghihintay sa kaniya, sa kaluluwa na humahanap sa kaniya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978