1 Samuel 16:7
Ang Biblia (1978)
7 Nguni't sinabi ng Panginoon kay Samuel, Huwag mong tingnan ang kaniyang (A)mukha, o ang taas ng kaniyang kataasan; sapagka't aking itinakuwil siya: (B)sapagka't hindi tumitingin ang Panginoon na gaya ng pagtingin ng tao: sapagka't ang tao ay tumitingin sa mukha, nguni't ang Panginoon ay tumitingin sa puso.
Read full chapter
1 Cronica 28:9
Ang Biblia (1978)
9 At ikaw, Salomon na aking anak, (A)kilalanin mo ang Dios ng iyong ama, at paglingkuran mo siya ng (B)sakdal na puso at ng kusang pagiisip: sapagka't sinasaliksik ng (C)Panginoon ang lahat na puso, at naaalaman ang lahat na akala ng pagiisip: kung iyong hanapin siya, ay masusumpungan siya sa iyo; nguni't (D)kung pabayaan mo siya, kaniyang itatakwil ka magpakailan man.
Read full chapter
Mga Awit 139:1
Ang Biblia (1978)
Ang Panginoon ay sumasa lahat at nakaaalam ng lahat. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
139 Oh Panginoon, (A)iyong siniyasat ako, at nakilala ako.
Jeremias 11:20
Ang Biblia (1978)
20 Nguni't, Oh Panginoon ng mga hukbo, na humahatol ng matuwid, na tumatarok (A)ng puso at ng pagiisip, ipakita mo sa akin ang iyong kagantihan sa kanila; sapagka't sa iyo inihayag ko ang aking usap.
Read full chapter
Jeremias 17:10
Ang Biblia (1978)
10 Akong Panginoon, ay (A)sumisiyasat ng pagiisip, aking tinatarok ang mga puso, (B)upang magbigay sa bawa't tao ng ayon sa kanikaniyang lakad, ayon sa bunga ng kanikaniyang mga gawain.
Read full chapter
Jeremias 20:12
Ang Biblia (1978)
12 Nguni't, Oh Panginoon ng mga hukbo, (A)na tumatarok ng matuwid, at nakakakita ng mga pagiisip at ng puso, ipakita mo sa akin ang iyong panghihiganti sa kanila; sapagka't sa iyo ay inihayag ko ang aking usap.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978