1 Samuel 16:7
Ang Biblia (1978)
7 Nguni't sinabi ng Panginoon kay Samuel, Huwag mong tingnan ang kaniyang (A)mukha, o ang taas ng kaniyang kataasan; sapagka't aking itinakuwil siya: (B)sapagka't hindi tumitingin ang Panginoon na gaya ng pagtingin ng tao: sapagka't ang tao ay tumitingin sa mukha, nguni't ang Panginoon ay tumitingin sa puso.
Read full chapter
1 Cronica 28:9
Ang Biblia (1978)
9 At ikaw, Salomon na aking anak, (A)kilalanin mo ang Dios ng iyong ama, at paglingkuran mo siya ng (B)sakdal na puso at ng kusang pagiisip: sapagka't sinasaliksik ng (C)Panginoon ang lahat na puso, at naaalaman ang lahat na akala ng pagiisip: kung iyong hanapin siya, ay masusumpungan siya sa iyo; nguni't (D)kung pabayaan mo siya, kaniyang itatakwil ka magpakailan man.
Read full chapter
Mga Kawikaan 17:3
Ang Biblia (1978)
3 (A)Ang dalisayan ay sa pilak, at ang hurno ay sa ginto:
Nguni't sinusubok ng Panginoon ang mga puso.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978