Font Size
1 Samuel 25:1
Ang Biblia, 2001
1 Samuel 25:1
Ang Biblia, 2001
Ang Kamatayan ni Samuel
25 Namatay si Samuel, at nagtipun-tipon ang buong Israel at tinangisan siya. Kanilang inilibing siya sa kanyang bahay sa Rama. At tumindig si David at lumusong sa ilang ng Paran.
Read full chapter
Levitico 20:27
Ang Biblia, 2001
Levitico 20:27
Ang Biblia, 2001
27 “Ang isang lalaki o ang isang babae na sumasangguni sa masasamang espiritu, o mangkukulam, ay tiyak na papatayin. Sila'y babatuhin hanggang mamatay, ang kanilang dugo ay pasan nila.”
Read full chapter
Deuteronomio 18:10-11
Ang Biblia, 2001
Deuteronomio 18:10-11
Ang Biblia, 2001
10 Huwag(A) makakatagpo sa iyo ng sinumang nagsusunog sa apoy ng kanyang anak na lalaki o babae bilang isang handog, ng manghuhula, o manggagaway o engkantador, o mangkukulam,
11 o(B) gumagamit ng anting-anting, o nagpapagamit sa masasamang espiritu, o salamangkero, o sumasangguni sa mga patay.
Read full chapter