2 Mga Hari 21:11
Ang Biblia (1978)
11 (A)Sapagka't ginawa ni Manases na hari sa Juda ang mga karumaldumal na ito, (B)at gumawa ng kasamaan na higit kay sa lahat na ginawa ng mga Amorrheo, na una sa kaniya, at ipinapagkasala sa Juda naman sa pamamagitan ng kaniyang mga diosdiosan:
Read full chapter
2 Mga Hari 21:16-17
Ang Biblia (1978)
16 (A)Bukod dito'y nagbubong mainam si Manases ng dugong walang sala, hanggang sa kaniyang napuno ang Jerusalem mula sa isang dulo hanggang sa kabila; bukod sa kaniyang sala na kaniyang ipinapagkasala sa Juda, sa paggawa ng masama sa paningin ng Panginoon.
17 (B)Ang iba nga sa mga gawa ni Manases, at ang lahat niyang ginawa, at ang sala na kaniyang ipinagkasala, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?
Read full chapter
2 Mga Hari 23:26
Ang Biblia (1978)
26 Gayon ma'y hindi tinalikdan ng Panginoon ang bagsik ng kaniyang malaking pagiinit, na ipinagalab ng kaniyang galit laban sa Juda, dahil sa lahat na (A)pamumungkahi na iminungkahi ni Manases sa kaniya.
Read full chapter
2 Mga Hari 24:3-4
Ang Biblia (1978)
3 Tunay na sa utos ng Panginoon ay dumating ito sa Juda, upang alisin sila sa kaniyang paningin, (A)dahil sa mga kasalanan ni Manases, ayon sa lahat niyang ginawa.
4 (B)At dahil naman sa walang salang dugo na kaniyang ibinubo; sapagka't kaniyang pinuno ang Jerusalem ng walang salang dugo: at hindi pinatawad ng Panginoon.
Read full chapter
Jeremias 16:12
Ang Biblia (1978)
12 At kayo'y nagsigawa ng (A)kasamaan na higit kay sa inyong mga magulang, sapagka't, narito, lumakad bawa't isa sa inyo ng ayon sa katigasan ng kanikaniyang masamang kalooban, na anopa't hindi ninyo ako dininig:
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978