2 Samuel 7:12
Ang Biblia (1978)
12 Pagka ang iyong mga araw ay naganap, at ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga magulang, (A)aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo, na magmumula sa iyong tiyan, at aking itatatag ang kaniyang kaharian.
Read full chapter
2 Cronica 6:16
Ang Biblia (1978)
16 Ngayon nga, Oh Panginoon, ang Dios ng Israel, tuparin mo sa iyong lingkod na kay David na aking ama ang iyong ipinangako sa kaniya, na iyong sinasabi, Hindi magkukulang sa iyo ng lalake sa aking paningin na uupo sa luklukan ng Israel; kung ang iyong mga anak lamang ay magsisipagingat ng kanilang lakad, na magsisilakad sa aking kautusan, gaya ng inilakad mo sa harap ko.
Read full chapter
Lucas 1:32
Ang Biblia (1978)
32 Siya'y magiging dakila, at tatawaging Anak ng (A)Kataastaasan: at (B)sa kaniya'y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama:
Read full chapter
Lucas 1:69
Ang Biblia (1978)
69 At nagtaas sa atin (A)ng isang sungay ng kaligtasan
Sa bahay ni David na kaniyang alipin
Mga Gawa 2:30
Ang Biblia (1978)
30 Palibhasa nga'y isang propeta, at sa pagkaalam na may panunumpang isinumpa ng Dios sa kaniya, (A)na sa bunga ng kaniyang baywang ay iluluklok niya ang isa sa kaniyang luklukan;
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978