Deuteronomio 10:12-13
Ang Biblia (1978)
Ipinapayo ang paggalang sa Panginoon.
12 At ngayon, Israel, (A)ano ang hinihingi sa iyo ng Panginoon mong Dios, kundi (B)matakot ka sa Panginoon mong Dios, (C)lumakad ka sa lahat ng kaniyang mga daan, at (D)ibigin mo siya, at paglingkuran mo ang Panginoon mong Dios, ng buong puso mo at ng buong kaluluwa mo.
13 Na ganapin mo ang mga utos ng Panginoon, at ang kaniyang mga palatuntunan, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito (E)sa iyong ikabubuti?
Read full chapter
Deuteronomio 13:4
Ang Biblia (1978)
4 (A)Kayo'y lalakad ayon sa Panginoon ninyong Dios, at matatakot sa kaniya, at gaganap ng kaniyang mga utos, at susunod sa kaniyang tinig at maglilingkod sa kaniya at (B)lalakip sa kaniya.
Read full chapter
Eclesiastes 12:13
Ang Biblia (1978)
13 Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: (A)ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978