Deuteronomio 10:9
Ang Biblia (1978)
9 (A)Kaya't ang Levi ay walang bahagi ni mana sa kasamahan ng kaniyang mga kapatid; ang Panginoo'y siyang kaniyang mana, ayon sa sinalita ng Panginoon mong Dios sa kaniya.)
Read full chapter
Deuteronomio 2:12
Ang Biblia (1978)
12 (A)Ang mga Hereo man ay tumahan sa Seir noong una, nguni't ang mga anak ni Esau ay humalili sa kanila; at nalipol sila ng mga ito sa harap din nila, at tumahan na kahalili nila; gaya ng ginawa ng (B)Israel sa lupaing kaniyang pagaari, na ibinigay ng Panginoon sa kanila.)
Read full chapter
Deuteronomio 18:1-2
Ang Biblia (1978)
Ang bahagi ng mga Levita.
18 Ang mga saserdote na mga Levita, ang buong lipi ni Levi, ay (A)hindi magkakaroon ng bahagi ni mana na kasama ng Israel; sila'y kakain (B)ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy, at ng kaniyang mana.
2 At sila'y hindi magkakaroon ng mana na kasama ng kanilang mga kapatid; ang Panginoon ang kanilang mana, gaya ng sinalita niya sa kanila.
Read full chapter
Ezekiel 44:28
Ang Biblia (1978)
Ang bahagi ng mga saserdote.
28 At sila'y mangagkakaroon ng mana; (A)ako'y kanilang mana; at hindi ninyo bibigyan sila ng pagaari sa Israel; ako'y kanilang pagaari.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978