Deuteronomio 3:12
Ang Biblia (1978)
Pagaari ng buong Jordanita.
12 At ang lupaing ito'y ating sinakop na pinakaari nang panahong yaon; (A)mula sa Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon, at kalahati ng lupaing maburol ng Galaad, (B)at ang mga bayan niyaon, ay aking ibinigay sa mga Rubenita at sa mga Gadita:
Read full chapter
Deuteronomio 3:18
Ang Biblia (1978)
18 At kayo'y aking inutusan nang panahong yaon, na sinasabi, Ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios ang lupaing ito upang ariin: (A)kayo'y daraang may sakbat sa harap ng inyong mga kapatid na mga anak ni Israel, lahat ng taong matapang.
Read full chapter
Deuteronomio 29:8
Ang Biblia (1978)
8 At ating sinakop ang kanilang lupain at ating (A)ibinigay na pinaka mana sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases.
Read full chapter
Josue 12:6
Ang Biblia (1978)
6 (A)Sinaktan sila ni Moises na (B)lingkod ng Panginoon at ng mga anak ni Israel: at ibinigay ni Moises na lingkod ng Panginoon na pinakaari sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases.
Read full chapter
Josue 13:8
Ang Biblia (1978)
8 Sa kaniya'y tinanggap ng mga Rubenita at ng mga Gadita, ang kanilang mana, (A)na ibinigay sa kanila ni Moises, sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan gaya ng ibinigay sa kanila ni Moises na lingkod ng Panginoon;
Read full chapter
Josue 22:4
Ang Biblia (1978)
4 At ngayo'y binigyan ng kapahingahan ng (A)Panginoon ninyong Dios ang inyong mga kapatid, gaya ng sinalita niya sa kanila: kaya't ngayo'y pumihit kayo at yumaon kayo sa inyong mga tolda sa lupain na inyong ari, na ibinigay sa inyo ni (B)Moises na lingkod ng Panginoon sa dako roon ng Jordan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978