Add parallel Print Page Options

24 Bayaan mong gapusin ng Karunungan ang iyong mga paa,
    at isuot sa iyong leeg ang pamatok niya.
25 Yumuko ka at nang makasakay siya sa iyong balikat,
    at huwag kang maghimagsik sa kanyang kapangyarihan.
26 Buong puso mo siyang suyuin,
    at sundin nang buo mong lakas ang kanyang mga tuntunin.
27 Hanapin mo siya at siya'y iyong matatagpuan,
    at minsang mahawakan ay huwag mo nang pakakawalan.
28 Sa wakas, malalasap mo ang ginhawang dulot niya,
    at siya ay magiging kaligayahan mo.
29 Ang mga tanikala niya'y magiging sandata mo,
    at ang kanyang pamatok ay maharlikang kasuotan.
30 Ang pamatok niya'y magiging isang gintong hiyas,
    at ang tali niya'y pamigkis na bughaw.

Read full chapter

19 Lumapit kayong lahat, kayong nananabik sa akin,
    at magpakabusog kayo sa aking mga bunga.

Read full chapter

23 Halina kayo, mga dapat turuan,
    at pumasok kayo sa aking paaralan.
24 Kung kayo'y talagang nauuhaw sa karunungan,
    bakit hindi ninyo lunasan ang inyong pangangailangan?
25 Nananawagan ako upang siya'y ipakilala sa inyo;
    tanggapin ninyo siya nang walang bayad.
26 Hindi kailangang siya'y hanapin sa malayo,
    ipailalim lamang ninyo ang inyong leeg sa kanyang pamatok,
    at humandang tumanggap ng kanyang aral.

Read full chapter