Add parallel Print Page Options

Tulungan mo ang mga taong may takot sa Diyos, huwag ang mga makasalanan.
Gawan mo ng mabuti ang mababang-loob; huwag mong bigyan ng anuman ang palalo.
Huwag mo siyang bibigyan ng pagkain;
    gagamitin lamang niya ang kabaitan mo laban sa iyo.
Patung-patong na kapinsalaan ang sasapitin mo,
    bilang ganti sa kabutihang ginawa mo sa kanya.
Pati ang Kataas-taasang Diyos ay napopoot sa makasalanan,
    at paparusahan niya sila sa takdang panahon.
Ang bigyan mo ay ang mabubuting tao, at huwag mong tulungan ang mga makasalanan.

Read full chapter