Exodo 15:20
Ang Biblia (1978)
20 At si Miriam na (A)propetisa na (B)kapatid ni Aaron, ay (C)tumangan ng isang pandereta sa kaniyang kamay; at (D)sumunod ang lahat ng mga babae sa kaniya, na may mga pandereta at nagsayawan.
Read full chapter
Mga Hukom 11:34
Ang Biblia (1978)
34 (A)At si Jephte ay naparoon sa Mizpa sa kaniyang bahay; at, narito, ang kaniyang (B)anak na babae ay lumalabas na sinasalubong siya ng (C)pandereta at ng sayaw: at siya ang kaniyang bugtong na anak: liban sa kaniya'y wala na siyang anak na lalake o babae man.
Read full chapter
1 Samuel 18:6
Ang Biblia (1978)
6 At nangyari pagdating nila, nang bumalik si David mula sa pagpatay sa Filisteo, na ang mga babae ay (A)lumabas mula sa lahat ng mga bayan ng Israel, na nagaawitan at nagsasayawan, upang salubungin ang haring si Saul, ng mga pandereta, ng kagalakan, at ng panugtog ng tugtugin.
Read full chapter
1 Samuel 21:11
Ang Biblia (1978)
11 At sinabi ng mga lingkod ni Achis sa kaniya, Hindi ba ito'y si David na hari sa lupain? Hindi ba (A)pinagaawitanan siya sa mga sayaw, na sinasabi,
(B)Pinatay ni Saul ang kaniyang libolibo,
At ni David ang kaniyang laksalaksa?
1 Samuel 29:5
Ang Biblia (1978)
5 Hindi ba ito ang David na siyang kanilang pinagaawitanan sa mga sayaw, na sinasabi,
(A)Pinatay ni Saul ang kaniyang libolibo,
At ni David ang kaniyang laksalaksa?
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978