Exodo 25:8
Ang Biblia (1978)
8 At kanilang igawa ako ng (A)isang santuario; upang ako'y (B)makatahan sa gitna nila.
Read full chapter
Zacarias 2:10
Ang Biblia (1978)
10 (A)Ikaw ay umawit at magalak, Oh anak na babae ng Sion; sapagka't (B)narito, ako'y naparirito, at (C)ako'y tatahan sa gitna mo, sabi ng Panginoon.
Read full chapter
2 Corinto 6:16
Ang Biblia (1978)
16 At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga diosdiosan? (A)sapagka't tayo'y templo ng Dios na buhay; gaya ng sabi ng Dios, (B)Mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan.
Read full chapter
Apocalipsis 21:3
Ang Biblia (1978)
3 At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, (A)ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at (B)ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978