Exodo 26:33
Ang Biblia (1978)
33 At iyong ibibitin ang lambong sa ilalim ng mga pangalawit, at iyong ipapasok doon sa loob ng lambong (A)ang kaban ng patotoo: at paghihiwalayin sa inyo ng lambong ang dakong banal at ang kabanalbanalang dako.
Read full chapter
1 Mga Hari 7:50
Ang Biblia (1978)
50 At ang mga (A)saro, at ang mga panggupit ng micha, at ang mga mangkok, at ang mga panandok, at ang mga (B)suuban, na taganas na ginto; at ang mga pihitang ginto maging ang sa mga pinto ng bahay sa loob, na kabanalbanalang (C)dako, at ang sa mga pinto ng bahay, sa makatuwid baga'y ng templo.
Read full chapter
1 Mga Hari 8:6
Ang Biblia (1978)
6 At ipinasok ng mga saserdote ang kaban ng tipan ng Panginoon (A)sa karoroonan, (B)sa loob ng sanggunian ng bahay, sa kabanalbanalang dako, sa ilalim ng mga (C)pakpak ng mga querubin.
Read full chapter
2 Cronica 3:8
Ang Biblia (1978)
8 At kaniyang ginawa ang (A)kabanalbanalang bahay; ang haba niyaon, ayon sa luwang ng bahay, ay dalawangpung siko, at ang luwang niyaon ay dalawangpung siko; at kaniyang binalutan ng dalisay na ginto, na may timbang na anim na raang talento.
Read full chapter
2 Cronica 3:10
Ang Biblia (1978)
10 At sa kabanalbanalang bahay ay gumawa siya ng (A)dalawang querubin na gawang nilarawan; at binalot nila ng ginto.
Read full chapter
Ezekiel 45:3
Ang Biblia (1978)
3 At sa sukat na ito iyong susukatin, na ang haba ay dalawang pu't limang libo, at ang luwang ay sangpung libo: (A)at doo'y malalagay ang santuario, (B)na pinakabanal.
Read full chapter
Mga Hebreo 9:3
Ang Biblia (1978)
3 At sa likod ng ikalawang tabing (A)ay ang tabernakulo na tinatawag na Dakong Kabanalbanalan;
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978