Exodo 35:29
Ang Biblia (1978)
29 Ang mga anak ni Israel ay (A)nagdala ng kusang handog sa Panginoon; bawa't lalake at babae, na ang puso'y nagkusang nagpadala ng magagamit sa lahat na gawain, na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises na gawin.
Read full chapter
Levitico 22:18
Ang Biblia (1978)
18 Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak, at sa lahat ng mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, (A)Sinoman sa sangbahayan ni Israel, o sa mga taga ibang bayan sa Israel, na maghahandog ng kaniyang alay, maging anomang panata nila, o maging anomang kusang handog nila, na kanilang inihahandog sa Panginoon na pinaka handog na susunugin;
Read full chapter
Levitico 22:21
Ang Biblia (1978)
21 (A)At sinomang maghandog sa Panginoon ng haing handog tungkol sa kapayapaan, (B)sa pagtupad ng isang panata o kaya'y kusang handog, na mula sa bakahan o sa kawan ay kinakailangang sakdal, upang tanggapin; anomang kapintasan ay huwag magkakaroon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978