Genesis 22:2
Ang Biblia, 2001
2 At(A) kanyang sinabi, “Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak na si Isaac, na iyong minamahal at pumunta ka sa lupain ng Moria. Ialay mo siya bilang handog na susunugin sa itaas ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo.”
Read full chapter
Mga Awit 2:7
Ang Biblia, 2001
7 Aking(A) sasabihin ang tungkol sa utos ng Panginoon:
Sinabi niya sa akin, “Ikaw ay aking anak,
sa araw na ito kita ay ipinanganak.
Isaias 42:1
Ang Biblia, 2001
Ang Lingkod ng Panginoon
42 Narito(A) (B) ang aking lingkod, na aking inaalalayan;
ang aking hinirang, na kinalulugdan ng aking kaluluwa.
Inilagay ko ang aking Espiritu sa kanya;
siya'y maglalapat ng katarungan sa mga bansa.
Mateo 12:18
Ang Biblia, 2001
18 “Narito(A) ang lingkod ko na aking hinirang,
ang minamahal ko na kinalulugdan ng aking kaluluwa.
Ilalagay ko sa kanya ang aking Espiritu,
at ipahahayag niya ang katarungan sa mga Hentil.
Mateo 17:5
Ang Biblia, 2001
5 Samantalang(A) (B) nagsasalita pa siya, biglang naliliman sila ng isang maliwanag na ulap, at may isang tinig mula sa ulap na nagsasabi, “Ito ang minamahal kong Anak; sa kanya ako'y lubos na nalulugod. Makinig kayo sa kanya.”
Read full chapter
Marcos 1:11
Ang Biblia, 2001
11 At(A) may isang tinig na nagmula sa langit, “Ikaw ang minamahal kong Anak, sa iyo ako lubos na nalulugod.”
Read full chapter
Lucas 9:35
Ang Biblia, 2001
35 At(A) may tinig na nanggaling sa ulap na nagsasabi, “Ito ang aking Anak, ang aking Pinili,[a] makinig kayo sa kanya!”
Read full chapterFootnotes
- Lucas 9:35 Sa ibang mga kasulatan ay Minamahal .