Genesis 47:9
Ang Biblia (1978)
9 At sinabi ni Jacob kay Faraon, (A)Ang mga araw ng mga taon ng aking pakikipamayan ay isang daan at tatlong pung taon; (B)kaunti at masasama ang mga naging araw ng mga taon ng aking buhay, (C)at hindi umabot sa mga araw ng mga taon ng buhay ng aking mga magulang sa mga araw ng kanilang pakikipamayan.
Read full chapter
Levitico 25:23
Ang Biblia (1978)
23 At ang lupain ay hindi maipagbibili ng magpakailan man; (A)sapagka't akin ang lupain: (B)sapagka't kayo'y taga ibang bayan at makikipamayang kasama ko.
Read full chapter
Mga Awit 39:12
Ang Biblia (1978)
12 Iyong dinggin ang aking dalangin, Oh Panginoon, at pakinggan mo ang aking daing:
(A)Huwag kang tumahimik sa aking mga luha:
(B)Sapagka't ako'y taga ibang lupa na kasama mo;
Nakikipamayan na (C)gaya ng lahat na aking mga magulang.
Mga Hebreo 11:13
Ang Biblia (1978)
13 Ayon sa pananampalataya ay nangamatay ang lahat ng mga ito, na hindi kinamtan ang mga pangako, nguni't (A)kanilang nangakita na natanaw mula sa malayo, at kanilang ipinahayag na sila'y pawang taga (B)ibang bayan at manglalakbay sa ibabaw ng lupa.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978