Genesis 48:21
Ang Biblia (1978)
21 At sinabi ni Israel kay Jose, Narito, ako'y namamatay: (A)nguni't ang Dios ay sasainyo, at dadalhin kayo uli sa lupain ng inyong mga magulang.
Read full chapter
Deuteronomio 20:1
Ang Biblia (1978)
Palatuntunan sa pakikibaka.
20 Pagka ikaw ay lalabas upang makibaka laban sa iyong mga kaaway at makakita ka ng (A)mga kabayo, at mga karo, at ng isang bayang higit kay sa iyo, ay huwag kang matatakot sa kanila: sapagka't ang Panginoon mong Dios ay (B)sumasaiyo, na siyang naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto.
Read full chapter
Deuteronomio 20:4
Ang Biblia (1978)
4 Sapagka't ang Panginoon ninyong Dios ay siyang yumayaong kasama ninyo, (A)upang ipakipaglaban kayo sa inyong mga kaaway, upang kayo'y iligtas.
Read full chapter
Deuteronomio 31:6
Ang Biblia (1978)
6 (A)Kayo'y magpakalakas at magpakatapang, huwag kayong (B)matakot, ni mangilabot sa kanila; sapagka't ang Panginoon mong Dios (C)ay siyang yumayaong kasama mo; (D)hindi ka niya iiwan ni pababayaan ka niya.
Read full chapter
Deuteronomio 31:8
Ang Biblia (1978)
8 At ang Panginoon, (A)ay siyang nagpapauna sa iyo; siya'y sasa iyo, hindi ka niya iiwan, ni pababayaan ka: ikaw ay huwag matatakot ni manglulupaypay.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978