Genesis 50:26
Ang Biblia (1978)
26 Sa gayo'y namatay si Jose na may isang daan at sangpung taon: at kanilang inembalsama siya, at siya'y inilagay sa isang kabaong sa Egipto.
Read full chapter
2 Cronica 16:14
Ang Biblia (1978)
14 At inilibing nila siya sa kaniyang sariling mga libingan, na kaniyang ipinahukay para sa kaniya sa bayan ni David, at inihiga siya sa higaan na pinunu ng mga (A)masarap na amoy at sarisaring espesia na inihanda ng manggagawa ng mga pabango; at (B)ipinagsunog nila niyaon ng di kawasa.
Read full chapter
Lucas 24:1
Ang Biblia (1978)
24 Datapuwa't (A)nang unang araw ng sanglinggo (B)pagkaumagang-umaga, ay nagsiparoon sila sa libingan, na may dalang mga (C)pabango na kanilang inihanda.
Read full chapter
Juan 19:39-40
Ang Biblia (1978)
39 At naparoon naman si Nicodemo, (A)yaong naparoon nang una sa kaniya nang gabi, na may dalang isang pinaghalong (B)mirra at mga aloe, na may mga isang daang (C)libra.
40 Kinuha nga nila ang bangkay ni Jesus, at binalot nila ng mga kayong lino na may mga pabango, ayon sa kaugalian ng mga Judio sa paglilibing.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978