Isaias 1:11
Ang Biblia (1978)
11 Sa anong kapararakan (A)ang karamihan ng inyong mga hain sa akin? sabi ng Panginoon: ako'y puno ng mga handog na susunugin na mga lalaking tupa, at ng mataba sa mga hayop na pinataba; at ako'y hindi nalulugod sa dugo ng mga toro, o ng mga kordero o ng mga kambing na lalake.
Read full chapter
Jeremias 6:20
Ang Biblia (1978)
20 (A)Sa anong panukala nangagdadala kayo sa akin (B)ng kamangyan na mula sa Seba, at ng mabangong kalamo na mula sa malayong lupain? (C)ang inyong mga handog na susunugin ay hindi nakalulugod, ni ang inyo mang mga hain ay nakalulugod sa akin.
Read full chapter
Oseas 8:13
Ang Biblia (1978)
13 Tungkol sa mga hain na mga handog sa akin, sila'y nangaghahain ng karne, at kinakain nila; nguni't ang mga yaon ay hindi tinatanggap ng Panginoon; ngayo'y aalalahanin niya ang kanilang kasamaan, at dadalawin ang kanilang mga kasalanan; (A)sila'y mangababalik sa Egipto.
Read full chapter
Amos 5:21
Ang Biblia (1978)
21 (A)Aking kinapopootan, aking hinahamak ang inyong mga kapistahan, at hindi ako malulugod sa inyong mga takdang kapulungan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978