Isaias 14:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
13 Hindi(A) ba't sinabi mo sa iyong sarili?
‘Aakyat ako sa langit;
at sa ibabaw ng mga bituin ng Diyos,
ilalagay ko ang aking trono.
Uupo ako sa ibabaw ng bundok
na tagpuan ng mga diyos sa malayong hilaga.
14 Aakyat ako sa ibabaw ng mga ulap,
papantayan ko ang Kataas-taasan.’
15 Ngunit anong nangyari at nahulog ka sa daigdig ng mga patay?
Sa kalalimang walang hanggan?
Genesis 19:24-28
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
24 Saka(A) pa lamang pinaulanan ni Yahweh ng apoy at asupre ang Sodoma at Gomorra. 25 Tinupok ni Yahweh ang mga lunsod na iyon at ang buong libis, lahat ng mamamayan doon pati ang mga pananim. 26 Ngunit(B) lumingon ang asawa ni Lot kaya't ito'y naging isang haliging asin.
27 Kinabukasan, maagang nagtungo si Abraham sa dakong pinagtagpuan nila ni Yahweh. 28 Mula roon, tinanaw niya ang Sodoma at Gomorra, at ang buong libis. Nakita niyang tumataas ang makapal na usok na parang nagmumula sa malaking hurno.
Read full chapter