Isaias 5:2
Ang Biblia (1978)
2 At kaniyang binangbangan ang palibot at inalis ang mga bato, at tinamnan ng piling puno ng ubas, at nagtayo ng isang moog sa gitna niyaon, at tinabasan din naman ng isang pisaan ng ubas: (A)at kaniyang hinintay na magbunga ng ubas, at nagbunga ng ubas gubat.
Read full chapter
Mateo 21:19
Ang Biblia (1978)
19 At pagkakita sa isang puno ng igos sa tabi ng daan, ay kaniyang nilapitan, at walang nasumpungang anoman doon, kundi mga dahon lamang; at sinabi niya rito, Mula ngayo'y huwag kang magbunga kailan man. At pagdaka'y natuyo ang puno ng igos.
Read full chapter
Marcos 11:13
Ang Biblia (1978)
13 At pagkatanaw niya sa malayo ng isang puno ng igos na may mga dahon, ay lumapit siya, na baka sakaling makasumpong doon ng anoman: at nang siya'y malapit sa kaniya ay wala siyang nasumpungang anoman kundi mga dahon; sapagka't hindi panahon ng mga igos.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978