Jeremias 25:21
Ang Biblia (1978)
21 Ang (A)Edom, (B)at ang Moab, at ang mga anak ni (C)Ammon;
Read full chapter
Ezekiel 25:8-11
Ang Biblia (1978)
8 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ang (A)Moab at ang (B)Seir ay nagsasabi, Narito, ang sangbahayan ni Juda ay gaya ng lahat na bansa;
9 Kaya't, narito, aking bubuksan ang tagiliran ng Moab mula sa mga bayan, mula sa kaniyang mga bayan na nangasa kaniyang mga hangganan, na kaluwalhatian ng lupain, ang (C)Beth-jesimoth, ang (D)Baal-meon, at ang (E)Chiriathaim.
10 Hanggang sa mga anak ng silanganan, upang magsiparoon laban sa mga anak ni Ammon; at aking ibibigay sa kanila na pinakaari, upang ang mga anak ni Ammon ay huwag ng mangaalaala sa gitna ng mga bansa:
11 At ako'y maglalapat ng kahatulan sa Moab: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
Read full chapter
Amos 2:1-2
Ang Biblia (1978)
Hatol sa Moab.
2 Ganito ang sabi ng Panginoon: (A)Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Moab, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't (B)kaniyang sinunog ang mga buto ng hari sa Edom na pinapaging apog.
2 Nguni't ako'y magsusugo ng isang apoy sa Moab, at susupukin niyaon ang mga palacio ng Cherioth; at ang Moab ay mamamatay na may kaingay, may hiyawan, at may tunog ng pakakak.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978