Add parallel Print Page Options

Ipinagpauna ni Jeremias na huwag tumiwala kay Faraon.

37 At (A)si Sedechias na anak ni Josias ay naghari na gaya ng hari, na humalili kay (B)Conias na anak ni Joacim, (C)na ginawang hari sa lupain ng Juda ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia.

Read full chapter

Ang katapusan ni Conias.

24 (A)Buhay ako, sabi ng Panginoon, bagaman si (B)Conias na anak ni Joacim na hari sa Juda (C)ay maging singsing na panatak sa aking kanang kamay, akin ngang huhugutin ka mula roon;

25 At aking ibibigay ka (D)sa kamay ng nagsisiusig ng iyong buhay, at sa kamay nila na iyong kinatatakutan, sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at sa kamay ng mga Caldeo.

26 At itataboy ka, at ang iyong ina na nanganak sa iyo, sa ibang lupain, na hindi pinapanganakan sa inyo; at doon kayo mangamamatay.

27 Nguni't sa lupain na pinagnanasaan ng kanilang kaluluwa na pagbalikan, doon hindi sila mababalik.

28 Ito bagang lalaking si Conias ay isang sisidlang basag na walang kabuluhan? (E)siya baga'y sisidlan na hindi kinaluluguran? bakit kanilang itinataboy, siya at ang kaniyang angkan, at itinapon sa lupain na hindi nila kilala?

29 Oh lupa, (F)lupa, lupa, iyong pakinggan ang salita ng Panginoon.

30 Ganito ang sabi ng Panginoon, Isulat ninyo (G)ang lalaking ito na walang anak, ang lalake na hindi giginhawa sa kaniyang mga kaarawan; sapagka't walang tao sa kaniyang angkan na giginhawa pa, na (H)nauupo sa luklukan ni David, hindi na magpupuno pa sa Juda.

Read full chapter