Job 27:9
Ang Biblia (1978)
9 (A)Didinggin ba ng Dios ang kaniyang iyak.
Pagka ang kabagabagan ay dumating sa kaniya?
Isaias 1:15
Ang Biblia (1978)
15 At pagka inyong iginagawad ang inyong mga kamay, aking (A)ikukubli ang aking mga mata sa inyo: oo, pagka kayo'y nagsisidalangin ng marami, hindi ko kayo didinggin: ang inyong mga kamay ay puno ng dugo.
Read full chapter
Jeremias 11:11
Ang Biblia (1978)
11 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa kanila, na hindi nila matatakasan; at sila'y magsisidaing sa akin, nguni't hindi ko sila didinggin.
Read full chapter
Jeremias 14:12
Ang Biblia (1978)
12 (A)Pagka sila'y nangagaayuno, (B)hindi ko didinggin ang kanilang daing; at (C)pagka sila'y nangaghahandog ng handog na susunugin at ng alay, hindi ko tatanggapin; kundi aking lilipulin (D)sila ng tabak, at ng kagutom, at ng salot.
Read full chapter
Ezekiel 8:18
Ang Biblia (1978)
18 Kaya't akin namang gagawin sa kapusukan; ang aking mata ay hindi magpapatawad, o mahahabag man ako: (A)at bagaman sila'y nagsisidaing sa aking pakinig ng malakas na tinig, gayon ma'y hindi ko sila didinggin.
Read full chapter
Mikas 3:4
Ang Biblia (1978)
4 Kung magkagayo'y (A)magsisidaing sila sa Panginoon, nguni't hindi niya sasagutin sila; oo, kaniyang ikukubli ang kaniyang mukha sa kanila sa panahong yaon, ayon sa kanilang ginawang kasamaan sa kanilang mga gawa.
Read full chapter
Zacarias 7:13
Ang Biblia (1978)
13 At nangyari, na kung paanong siya'y sumigaw, at hindi nila dininig, ay gayon sila sisigaw, at hindi ko didinggin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo;
Read full chapter
Santiago 4:3
Ang Biblia (1978)
3 Kayo'y nagsisihingi, at hindi kayo nagsisitanggap, (A)sapagka't nagsisihingi kayo ng masama, upang gugulin sa inyong mga kalayawan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978