Josue 10:11
Ang Biblia (1978)
11 At nangyari, na habang tumatakas sa harap ng Israel samantalang sila'y nasa babaan sa Beth-horon, na binagsakan sila ng (A)Panginoon sa Azeca ng mga malaking bato na mula sa langit, at sila'y namatay: sila'y higit na namatayan sa pamamagitan ng mga batong granizo kay sa pinatay ng mga anak ni Israel sa pamamagitan ng tabak.
Read full chapter
1 Samuel 12:17
Ang Biblia (1978)
17 Hindi ba (A)pagaani ng trigo sa araw na ito? Ako'y tatawag sa Panginoon, na siya'y magpapasapit ng kulog at ulan; at inyong malalaman at makikita na (B)ang inyong kasamaan ay dakila, na inyong ginawa sa paningin ng Panginoon sa paghingi ninyo ng isang hari.
Read full chapter
Mga Awit 18:13
Ang Biblia (1978)
13 Ang Panginoon naman ay kumulog sa mga langit,
(A)At pinatunog ng Kataastaasan ang kaniyang tinig;
Mga granizo, at mga bagang apoy.
Mga Awit 78:47
Ang Biblia (1978)
47 Sinira niya ang (A)kanilang ubasan ng granizo,
At ang mga puno nila ng sikomoro ng escarcha.
Mga Awit 105:32
Ang Biblia (1978)
32 (A)Ibinigay niya sa kanila na pinakaulan ay graniso,
At liyab ng apoy sa kanilang lupain.
Mga Awit 148:8
Ang Biblia (1978)
8 Apoy at granizo, nieve at singaw;
Unos na hangin, na (A)gumaganap ng kaniyang salita:
Isaias 30:30
Ang Biblia (1978)
30 At iparirinig ng Panginoon ang kaniyang maluwalhating tinig, at ipakikilala ang pagbabaka ng kaniyang bisig, na may pagkagalit ng kaniyang galit, at ng liyab ng mamumugnaw na apoy, na may bugso ng ulan, at bagyo, at granizo,
Read full chapter
Ezekiel 38:22
Ang Biblia (1978)
22 (A)At ako'y makikipaglaban sa kaniya sa pamamagitan ng salot at ng dugo; at pauulanan ko siya, at ang kaniyang mga (B)pulutong, at ang maraming bayan na kasama niya, ng napakalakas na ulan, at ng mga malaking granizo, ng apoy, at ng azufre.
Read full chapter
Apocalipsis 8:7
Ang Biblia (1978)
7 At humihip ang una, (A)at nagkaroon ng granizo at apoy, na may halong dugo, at (B)itinapon sa lupa: at (C)ang ikatlong bahagi ng lupa ay nasunog, at ang ikatlong bahagi ng mga punong kahoy ay nasunog, at ang lahat ng sariwang damo ay nasunog.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978