Lucas 12:2-7
Ang Biblia, 2001
2 Walang(A) bagay na natatakpan na hindi mabubunyag, at walang bagay na natatago na hindi malalaman.
3 Kaya't ang anumang sinabi ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag at ang ibinulong ninyo sa mga lihim na silid ay ipagsisigawan sa mga bubungan.
Ang Dapat Katakutan(B)
4 “Sinasabi ko sa inyo, mga kaibigan ko, huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan, na pagkatapos ay wala na silang magagawa.
5 Subalit ipapakita ko sa inyo kung sino ang inyong dapat katakutan; katakutan ninyo siya na pagkatapos pumatay ay may kapangyarihang magtapon sa impiyerno.[a] Oo, sinasabi ko sa inyo, siya ang inyong katakutan.
6 Hindi ba ipinagbibili ang limang maya sa halagang dalawang sentimos? Isa man sa kanila ay hindi nalilimutan ng Diyos.
7 Ngunit maging ang mga buhok ng inyong ulo ay bilang na lahat. Huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya.
Read full chapterFootnotes
- Lucas 12:5 Sa Griyego ay Gehenna .