Mateo 12:25
Ang Biblia (1978)
25 At (A)pagkaalam niya ng mga iniisip nila, ay sinabi niya sa kanila, (B)Ang bawa't kahariang nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili ay mawawasak; ang bawa't bayan o bahay na nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili ay hindi mananatili.
Read full chapter
Mateo 22:18
Ang Biblia (1978)
18 Datapuwa't napagkikilala ni Jesus ang kanilang kasamaan, at sinabi sa kanila, Bakit ninyo ako tinutukso, kayong mga mapagpaimbabaw?
Read full chapter
Juan 2:24-25
Ang Biblia (1978)
24 Datapuwa't si Jesus sa kaniyang sarili ay hindi rin nagkatiwala sa kanila, sapagka't nakikilala niya ang lahat ng mga tao,
25 Sapagka't hindi niya kinakailangan na ang sinoman ay magpatotoo tungkol sa tao; sapagka't nalalaman nga (A)niya ang isinasaloob ng tao.
Read full chapter
Juan 16:19
Ang Biblia (1978)
19 Natalastas ni Jesus na sa kaniya'y ibig nilang itanong, at sa kanila'y sinabi niya, Nangagtatanungan kayo tungkol dito sa aking sinabi, Sangdali na lamang, at ako'y hindi na ninyo makikita, at muling sangdali pa, at ako'y inyong makikita?
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978