Add parallel Print Page Options

15 Mangalagay nawa silang lagi sa harap ng Panginoon,
Upang ihiwalay (A)niya ang alaala sa kanila sa lupa.

Read full chapter

(A)Mangahiya nawa sila, at madala sa kasiraang puri ang nagsisiusig sa aking kaluluwa:
Mangapabalik sila, at mangalito silang nagsisikatha ng aking kapahamakan.
(B)Maging gaya nawa sila ng ipa sa unahan ng hangin,
At itaboy sila ng anghel ng Panginoon.
Maging madilim nawa, at (C)madulas ang kanilang daan,
At habulin sila ng anghel ng Panginoon.
Sapagka't walang kadahilanan ay ipinagkubli nila ako ng (D)kanilang silo sa hukay,
Walang kadahilanan ay nagsihukay sila para sa aking kaluluwa.
(E)Dumating nawa sa kaniya ng walang anoano ang pagkapahamak;
At hulihin nawa siya ng (F)kaniyang silo na kaniyang ikinubli:
Mahulog nawa siya sa ikapapahamak niya.

Read full chapter

22 (A)Maging lalang sa harap nila ang kanilang dulang;
At maging isang silo kung sila'y nasa kapayapaan.

Read full chapter

28 (A)Mapawi sila sa aklat ng buhay,
(B)At huwag masulat na kasama ng matuwid.

Read full chapter