Mga Gawa 20:4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
4 Sinamahan siya ni Sopatro na taga-Berea, anak ni Pirro, gayundin ng mga taga-Tesalonica na sina Aristarco at Segundo, ni Gaio na taga-Derbe, at ni Timoteo, at ng taga-Asia na sina Tiquico at Trofimo.
Read full chapter
Efeso 6:21-22
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pangwakas na Pagbati
21 At (A) (B) upang malaman din ninyo ang aking kalagayan at ang tungkol sa aking gawain, ang lahat ng ito'y sasabihin sa inyo ni Tiquico, na aking minamahal na kapatid at tapat na naglilingkod sa Panginoon. 22 Sa layuning ito ay isinusugo ko siya sa inyo, upang malaman ninyo ang kalagayan namin, at upang mapalakas niya ang inyong mga puso.
Read full chapter
Colosas 4:7-8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Pagbati at Basbas
7 Si Tiquico (A) ang magbabalita sa inyo ng lahat ng tungkol sa akin. Siya'y isang minamahal na kapatid, tapat na lingkod, at kapwa manggagawa sa Panginoon. 8 Isinugo ko (B) siya diyan sa inyo dahil dito upang malaman ninyo ang aming kalagayan at upang pasiglahin niya ang inyong mga puso.
Read full chapter
2 Timoteo 4:12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
12 Pinapunta (A) ko si Tiquico sa Efeso.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.