Mga Hukom 3:3
Ang Biblia (1978)
3 (A)Ang nangabanggit ay ang limang pangulo ng mga Filisteo at ang lahat ng mga Cananeo, at ang mga Sidonio, at ang mga Heveo, na tumatahan sa bundok ng (B)Libano, mula sa bundok ng Baal-hermon hanggang sa pasukan ng Hamath.
Read full chapter
1 Samuel 5:8
Ang Biblia (1978)
8 Sila'y nagsugo nga at nagpipisan ang lahat ng mga (A)pangulo ng mga Filisteo sa kanila at sinabi, Ano ang ating gagawin sa kaban ng Dios ng Israel? At sila'y sumagot, Dalhin sa (B)Gath ang kaban ng Dios ng Israel. At kanilang dinala roon ang kaban ng Dios ng Israel.
Read full chapter
1 Samuel 5:11
Ang Biblia (1978)
11 Pinasuguan nga nilang magpipisan ang lahat ng pangulo ng mga Filisteo, at kanilang sinabi, Ipadala ninyo ang kaban ng Dios ng Israel, at ipabalik ninyo sa kaniyang sariling dako, upang huwag kaming patayin at ang aming bayan. Sapagka't nagkaroon ng panglitong ikamamatay sa buong bayan: (A)ang kamay ng Dios ay totoong bumigat doon.
Read full chapter
1 Samuel 6:4
Ang Biblia (1978)
4 Nang magkagayo'y kanilang sinabi, Ano ang handog dahil sa pagkakasala na aming igaganti sa kaniya? At kanilang sinabi, Limang gintong bukol, at limang gintong (A)dagá (B)ayon sa bilang ng mga pangulo ng mga Filisteo; sapagka't iisang salot ang napasa inyong lahat, at napasa inyong mga pangulo.
Read full chapter
1 Samuel 6:16
Ang Biblia (1978)
16 At nang (A)makita ng limang pangulo ng mga Filisteo, ay bumalik sa (B)Ecron nang araw ding yaon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978