Pahayag 11:13
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
13 Nang (A) oras ding iyon ay lumindol nang malakas, at nagiba ang ikasampung bahagi ng lungsod. Pitong libong tao ang namatay sa lindol, at ang iba nama'y natakot at nagbigay-papuri sa Diyos ng kalangitan.
Read full chapter
Pahayag 16:18
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
18 At (A) gumuhit ang mga kidlat, nagkaingay, dumagundong ang mga kulog, at lumindol ng malakas, na hindi pa nangyayari buhat nang magkatao sa lupa. Napakalakas ng lindol na iyon.
Read full chapter
Mateo 24:29
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pagdating ng Anak ng Tao(A)
29 “At (B) kasunod agad ng kapighatian sa mga araw na iyon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kanyang liwanag, at ang mga bituin ay mahuhulog mula sa langit, at ang mga kapangyarihan ng kalangitan ay mayayanig.
Read full chapter
Marcos 13:24-25
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pagdating ng Anak ng Tao(A)
24 “Ngunit (B) pagkatapos ng kapighatiang iyon, magdidilim ang araw at hindi magliliwanag ang buwan, 25 at (C) malalaglag ang mga bituin mula sa kalangitan, at mayayanig ang mga panlangit na kapangyarihan.
Read full chapter
Lucas 21:25
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pagdating ng Anak ng Tao(A)
25 “Magkakaroon ng mga tanda sa araw, buwan at mga bituin. At sa lupa, mababagabag ang mga bansa at ikalilito nila ang ugong at daluyong ng dagat.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.